RAPSA!

Archive for the ‘muni-muni’ Category

Na-miss ko ang magblog

Ipinaskil ni: rapsa noong: Setyembre 10, 2009

Ang tagal na mula ng huling entry ko para sa Rapsa. Marami akong naisip sulatin, maraming nasa draft. Kung bakit hindi ko tinuloy ito’y dahil nakaligtaan na o kaya ay nakatamaran.
Pero siyempre hindi ko nakatamaran ang pagkain. Marami akong mga napuntahan at nadiscover na kainan. Bumiyahe ako sa Bicol at Davao at maraming bukod sa [...]

Anong pagkain ang nagpapasaya sa ‘yo?

Ipinaskil ni: rapsa noong: Pebrero 19, 2008

Comfort food. Yan ang tawag sa mga pagkaing nakakapagpasaya/ nakakaaliw/ nakakapagpaginahawa sa isang tao. Sa kung anupamang dahilan.

Napapasaya ako ng isang pagkain siyempre pag masarap ito.
Tapos may naaalala ako sa kabataan ko tungkol sa pagkain na ‘to.
Gusto ko ang texture nito sa bibig ko.
Pansamantalang nalilimutan ko ang lahat ng gulo sa paligid ko pag nalalasahan [...]

Kainan na!

Ipinaskil ni: rapsa noong: Pebrero 16, 2008

Isa lamang akong taong mahilig kumain. Hindi man halata sa aking katawan, pero isa ito sa mga paborito kong gawain sa buhay. Ang pagkain ay isa sa mga bagay sa mundo na lubos na nagpapaligaya sa akin. Mababaw lang ang aking kaligayahan, hindi kinakailangang dalhin ako sa sosi na restoran. Kahit bananacue lang ni Aling [...]