Semana Santa Soup

Standard

Because Papa is having his radiation therapy and he was advised by the doctor to eat lots of green leafy vegetables, all the dishes I cook should always have “grasses” in it. Malunggay is ever present, so is dahon ng sili, kangkong shows up once in a while, celery when needed and camote tops when he feels like it. So far, I haven’t let him try Popeye’s powerful spinach. Thus, today’s menu included such.

It’s holy week and Catholics are encouraged to either fast or abstain from eating meat. Because I am  a Catholic school girl, I abide by my church’s teachings. Hihi. So what’s in the fridge? There’s Dory (the ever reliable cream dory), which can be cooked practically anyway you want. Good thing there’s stuff being sold in the palengke and I was able to get hold of white corn (which I think is better to use than the yellow one) and spinach.

Now meet, Semana Santa soup aka Corn and Spinach soup with Fish Fillet.Image

Just like the previous post, you will be needing hugas bigas for this one. I didn’t have a chicken stock so I was forced to use fish bouillion (tsk..tsk..). But if you have chicken stock, that would be better.

Ingredients:

hugas bigas (water you get from washing rice grains)

2 cobs white corn, grated (blender can be used to sort of cream it)

garlic, smashed

ginger, peeled then smashed

spinach

dash of salt and pepper

1 piece cream dory, cut into cubes

2 fish bouillions

spinach (depends on how many you want)

toasted garlic and french fried onions (oui!, used the french’s brand)

When the hugas bigas is boiling put the garlic and ginger (yes, no need to saute it), fish bouillion comes next, then the creamed corn, then the fish fillet and spinach, last. Add salt and pepper to taste. Let it boil. Check if the fish fillet is cooked already then you may turn off the gas stove now.

Put in a soup bowl, garnish with toasted garlic and fried french onion. Ready to serve! Bon Appetit!

(Yes, I am writing in English this time because the weather made me do so.)

Pinoy Corn Soup (Sopa de Maiz)

Standard

Bukod sa palay ay marami rin tayong tanim na mais. Ang mais ay masarap gawing maja blanca, binatog, chichacorn, mais con yelo at iba pa. Hindi lang ito pang himagas, maari rin ito gawing soup! 

At heto ang aking version ng Sopa de Maiz.

Image

4 pirasong mais (mas gusto ko ang puting mais pero wala kasi sa palengke kaya sweet corn ang ginamit ko) 

8 cups ng hugas bigas

bawang 

dahon ng sili

asin

paminta

Madali lang itong gawin. Gadgarin o di kaya ay tanggalin ang mga butil ng mais gamit ang kutsilyo. Dahil malalaki pa ang butil, ginamit ko ang blender para i-cream ang mais. Buti na lang may button na grate ang blender ko. Bahagyang pagke-cream lang ang ginawa ko para may buo-buo pang mais. 

Pakuluan ang hugas bigas. Ilagay ang pinitpit na bawang. Masarap ang marami. Pag kumukulo na ang hugas bigas, ilagay ang mais. Timplahan ng asin at paminta. Pag kumulo na ay ilagay ang dahon ng sili. Maari rin maglagay ng malunggay para mas masustansiya. 

Voila, may sopa de maiz ka na! Dali lang di ba? 

 

 

 

Kalderetang Ala Eh

Standard

Kung nuong isang taon ay baking ang kinabaliwan ko, ngayong 2012 naman (dahil ako ay may iba na ring role na pine-play bilang isang missus) ay ang pagluluto ng ulam. Isang buwan pa lang kami mag-asawa at sa totoo lang ngayon lang ako natututo magluto ng seryosohan. Kadalasan kasi ay mga pasta at kung anong anek-anek lang. Pero ngayon medyo serious na.

Anyway, ito ang aking first attempt na magluto ng Kalderetang Batangas. Hindi ko ito orihinal na recipe. Nakita ko rin lamang ito sa Overseas Pinoy Cooking site. Bagamat may konting dagdag bawas din ako na ginawa. Pero panalo ang recipe na ito, habang niluluto ko siya ay parang naamoy ko ang piyestahan sa amin sa Cuenca, Batangas.

May pagkakaiba ang Kalderetang Ala Eh sa ibang kaldereta dahil ito ay walang tomato sauce. Hindi ko alam kung bakit sa amin ay walang tomato sauce ang kaldereta. Siguro para maiba lang. Or baka nung naimbento ito ay hindi pa uso ang tomato sauce sa Batangas so nag-improvise ang mga Batangenyo. So dahil walang tomato sauce, hindi mamula-mula ang kulay niya. Maliban na lang siguro kung gusto mo na mamula-mula ito ng bahagya eh puede mong lagyan ng annatto water (aka 1 tbsp atsuete sa kada 1 cup na water). So heto at ibabahagi ko ang recipe.

Kalderetang Ala Eh (pauso ko na lang yang title hihi)

1K spare ribs (ipachop-chop sa cubes)

1/4 k ng chicken liver (pakuluan then i-cream gamit ang food processor/blender o kung ano man na meron ka, hanggang sa maging spreadable na ito na parang liver spread)

3 malalaking white onion (chopped)

1 buong garlic

8 tbsp. soysauce

4 tbsp. vinegar

1/4 cup butter

1 cup grated quickmelt cheese

ground pepper

3 bellpepper (green at red, sliced)

Procedure:

I-marinate ang karne sa toyo, suka at asukal  ng 30 minuto. Igisa ang sibuyas at bawang sa butter. Kapag transparent na ang sibuyas, ilagay ang karne kasama ang marinade nito. Haluin sa  loob ng 3-5 minuto. Maglagay ng 4 cups ng tubig, ihalo ang chicken liver, at pakuluan sa mahinang apoy ng 30-45 minuto o hanggang sa lumambot ang karne. Kung kulang ang tubig ay magdagdag na lang. Pag malambot na, idagdag ang quickmelt cheese then halo lang ng halo baby. Isunod ang bellpepper. Siguro mga 3 minuto puede na. Luto na ito! Voila, puede ng ihain!

Maari niyong lagyan ng sili para maanghang at may sipa. Puede rin lagyan ng patatas at carrots para naman may gulay na kalahok.

Creamy Kalderetang Ala Eh

Kanin na lang ang kulang!

Kainan na!

The Chef of South Polar

Standard

Malamig. Sobrang lamig na kahit ang bacteria ay hindi mabubuhay. May panahon na hindi kayo sinisikatan ng araw. Walang kapitbahay. 400+ days kayong magkakasama. Walo lang kayo. Puro lalaki pa. Malayo sa pamilya at sa mahal sa buhay. Ano pa ang magiging libangan niyo? Ano ang magpapasaya sa inyo?

Sa pelikulang The Chef of South Polar, ipinakikita kung paano ang ating emosyon at lagay ng kaisipan ay maaring maimpluwensiyahan ng pagkain. Sa mga panahong katakot-takot ang pagka-homesick at kalungkutan, ang pagkain ang nagsalba sa kanilang huwisyo. Nakakatawang pelikula ito tungkol sa walong kalalakihan na na-assign sa South Pole para sa isang research. Kabilang sa team na ito ang isang chef na naghanda ng masasarap na putahe na madalas din nilang matikman sa kanilang hometown.

Pinatawa ako ng pelikulang ito pero mas higit na nagutom ako dahil dito. Babala sa mga manunood, huwag panuorin ng walang laman ang tiyan!

 

Jollibee Kid Forever

Standard

Kahit kelan ay hindi ako nagkaroon ng kiddie party sa Jollibee. Well, hindi naman ito kakulangan sa pagkatao ko. Nabanggit ko lang dahil may isa akong kaibigan na pangarap niya magkaroon ng kiddie party so sinorpresa siya ng mga kaibigan niya sa Jollibee. Nakakatuwang/nakakatawang panuorin dahil ang lahat ay masaya na naglaro ng mga kadalasang parlor games pag birthday party.

Kung papipiliin ka sa mga fast food chains na meron sa Pinas, ano ang pipiliin mo. Andiyan ang Jollibee, Mc Donald’s, KFC, Wendy’s, Burger King, sige isama na rin ang Chowking, Mang Inasal at kung anu-ano pa, alin ang bet mo?

Para sa akin lagi pa ring mangunguna ang Jollibee dahil sa kanilang Chicken Joy. Iba pa rin ang manok na ito. Ang lutong, ang lasa, ang juicyness, patok talaga sa mga bata. At kung bata ka pa ay gusto mo na ito, malamang hanggang sa pagtanda mo ay mananatili ito sa isa sa mga paborito mo.

Sinong Pinoy ang hindi gusto ang Chicken Joy?

Meron kaming batang bisita sa opisina. Lumaki siya sa Japan. Pero sa tuwing uuwi ng Pinas, wala raw itong ibang gustong kainin kundi Chicken Joy at french fries. Ang mga bata nga naman, makita pa lang ang karatula ni Jollibee, magtatatalon na.

Nung bata pa kami, hindi naman kami mahilig lumabas at mamasyal, kaya ang bawat punta namin sa Jollibee ay memorable talaga. Ngayon, hindi na ako kadalasang kumakain sa mga fast food. Pero sa pagkakataong wala na talagang choice kundi mag-fastfood, Jollibee pa rin ang pinipili ko. Hindi ako kumakain ng baka kaya hindi ko masasabing gusto ko ang burger nila. Pero ang Chicken Joy, mananatili talagang isa sa mga paborito ko at laging pupukaw sa puso ko at magpapaalala sa aking kabataan.

O-oh! Jollibee, saan ka nakatingin?!

Vday muffins

Standard

Binake ko ito in time for Vday. Sabi nila, “the way to a man’s heart is through his stomach”. Here’s a batch of muffins for you my boy. Chos! Ang tawag dito ay black bottom cupcakes. Wala akong  unsweetened cocoa powder na siyang hinihingi ng recipe. Pero purong cacao na mula sa Batangas meron ako. Ay panalo! Woot woot!

Heto siya ng hilaw

Sa loob ng oven

Naku nasunog ata ah

Heto tama lang ang luto

batches 1 and 2 ng black bottom cupcakes

Sabi ng mga kumain masarap daw. Tama ang tapang at tamis ng cacao. Well, beginner’s luck ba ito?

Sharing with you the recipe and procedure:

Cream Cheese Filling:

8 oz cream cheese, room temperature, 1/3 cup granulated white sugar, 1 large egg,  1/2 tsp pure vanilla extract

Chocolate Cupcakes:  1 1/2 cups APF, 1 c granulated white sugar, 1/3 c natual unsweetened cocoa powder (you may also used grated tablea), 1 tsp baking soda, 1/4 tsp salt, 1 c water, 1/3 c corn or canola oil, 1 tbsp white vinegar, 1 tsp pure vanilla extract,

Heto ang konting  adjustments na ginawa ko sa recipe: 2 cups ng ginadgad na cacao ang ginamit ko, nagdagdag din ako ng tubig at rice vinegar ang ginamit ko. Salamat sa Joy of Baking para sa recipe at kay Ate Steph para sa inspirasyon!

Cookie Monster

Standard

Lately ay napapahilig ako sa baking. Feeling-feelingan ba. Siguro dahil na rin ako ay galing sa pamilya ng magtitinapay at ang dugong pagtitinapay ay nananalaytay sa aking dugo. Matagal-tagal na rin akong hindi nagbe-bake. At napahilig ulit dahil may maliit na oven sa aming bahay. So simula muna ako ulit sa mga basic at madaling lutuin. At isa na rito ang cookies. Oatmeal choco chunk cookies ang sinubukan kong gawin nung Linggo. Successful naman siya at pumasa sa panlasa ng mga tumikim. (Nakangiti naman sila nung kaharap ko, hindi ko lang alam kung nuong tumalikod ako ay isinuka nila ang cookie ko.)

Parang meatballs noh?

Zooper dali lang gawin niyang cookie na  yan. Kahit grade 1 pihado ako kayang-kaya. Pagsasamah-samahin lang ang mga ingredients, ihalo-halo, i-bilog-bilog, ipasok sa oven at pagkaraan ng 10 minuto may cookie ka na!

After 10 minutes ganyan na siya

Hanguin mo na. Heto naman ang itsura niya.

Sasabihin sa kin ng anak ko in the future, "Sarap ng cookie ng ina ko!"

Palamigin sa wire rack para lumutong-lutong ang cookies. Crunchy yet chewy at the same time ang mga cookies na ito!

Ako ay crunchy on the sides and chewy in the middle.

Ingredients:

butter (Queensland ang ginamit ko, hindi yung nasa tin can pero yung nasa silver na foil), brown sugar, white sugar, all purpose flour, baking soda, salt, cinnamon, 2 eggs, vanilla, raisins, oatmeal, Meiji black chocolate

Tip: Ibabad ang raisins sa binating itlog (bakit natatawa ako habang tinatype ko ang term na ito) at sa vanilla ng isang oras. Panalo, pramis!