Kainan na!

Standard

Isa lamang akong taong mahilig kumain. Hindi man halata sa aking katawan, pero isa ito sa mga paborito kong gawain sa buhay. Ang pagkain ay isa sa mga bagay sa mundo na lubos na nagpapaligaya sa akin. Mababaw lang ang aking kaligayahan, hindi kinakailangang dalhin ako sa sosi na restoran. Kahit bananacue lang ni Aling Dalisay o tokwa’t baboy ni Tia Merced ay masaya na ako.

Isa rin sa mga hilig ko ay ang magbasa ng food blogs. Madalas ko itong ginagawa lalo na kung wala akong pera pang lafang. Andaming nagsusulat ng tungol sa pagkain pero naisipan ko pa rin gumawa ng sariling akin. Maraming masarap na lutong Pinoy, maraming kuwento sa pagkaing Pinoy at maraming puedeng tuklasin na pagkaing Pinoy. At sana sa pamamagitan ng RAPSA! ay maibahagi ko ang mga ito sa inyo.

Hindi ako “connoisseur” o dalubhasa sa pagkain. Hindi ako para magbigay ng 1 star o 5 stars sa mga nakakainan ko. Iba-iba tayo ng panlasa. Ang masarap kay Urduja ay hindi masarap kay Cinderella. Andito lamang ako para magkuwento ng aking karanasan sa pagkain at para i-promote ang sariling atin.

Kaya ilabas na ang mga plato, maghugas na ng kamay at sabay-sabay ng sumigaw ng “kainan na!”

rapsa.jpg
Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

5 responses »

  1. hayyy! nagugutom na tuloy ako. at pupuntahan ko yang mga yan once i get there.i’ll print it ng di maligaw. thank you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s