Anong pagkain ang nagpapasaya sa ‘yo?

Standard

Comfort food. Yan ang tawag sa mga pagkaing nakakapagpasaya/ nakakaaliw/ nakakapagpaginahawa sa isang tao. Sa kung anupamang dahilan.

  • Napapasaya ako ng isang pagkain siyempre pag masarap ito.
  • Tapos may naaalala ako sa kabataan ko tungkol sa pagkain na ‘to.
  • Gusto ko ang texture nito sa bibig ko.
  • Pansamantalang nalilimutan ko ang lahat ng gulo sa paligid ko pag nalalasahan ko na ‘to.
  • Napapagana nito ang imahinasyon ko.

Pag malungkot ako kumakain ako. Pag masaya ako kumakain rin ako. Pag stressed ako kumakain ako. Pag relaxed ako kumakain rin ako. Kumakain ako mag-isa. Kumakain rin ako kasama ng pamilya, kaibigan, ka-opisina, at kung sino-sino pa.

Maraming pagkain ang nagpapasaya sa akin. Andiyan ang tokwa’t baboy. Arrozcaldo. Sago’t-gulaman. Dumplings. Fishball. Keyk. Mani. Kropek. Fried pansit. Pupor. Kropek. Takoyaki. Potato Chips. Cookies. Fried rice.

comfort-food.jpg

Pero minsan nakakalungkot din. Kasi sa pagsasaya ko sa pagkain meron namang iba na ni kanin walang makain. Haay… buhay nga naman.

Ikaw, anong pagkain ang nagpapasaya sa ‘yo?

(salamat sa marketmanila, jagaimo, globalpinoy, kookyculinary, bursky, filipino heritage at lunchinabox para sa mga larawan)

 

Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

8 responses »

  1. [dahil super tagalog ka heto ang sagot ko]
    Pagkain nga ang isinsigaw ng ating damdamin…Ang mga gusto ko ay yung mga “all in one” kagaya ng noodle dishes like palabok,pansit bihon at sotanghon na nakakahirin. Pasta din kagaya Putanesca,
    tuna and mushroom,sundried tomatoes at kahit ung ordinary spaghetti lamang na gawa sa aming bahay. Gusto ko din ang mga fried rice na may generous ingredients katulad ng Yang Chow, Pineapple rice, Greek rice.. gusto ko din ng mga sandwiches at grilled panini’s na may mga palaman na turkey,grilled chesse,letsugas,pineapples,kamatis,sausages… Dahil sa isang meal lang ay nandun na lahat ng hinahanap mong lasa at texture. Kapag itong mga ito aking nginunguya,nagbuburst ang ibat ibang flavors mula sa ibat ibang sangkap nito na talagang magsstimulate sa aking senses . hayy.

  2. NAKAKALOKA! pano ba naman ang diet ko nyan!?! Seriously, nice fudblog. Tumatangkilik ng pagkain sa Pilipinas… padayon sistah!

  3. hayyyyzzz..i love food so much!!! kahit anu yata sakin comfort food basta naisip ko kainin sa araw na yun ay nkpgpapasaya sa akin..kagaya ngayon naisip ko ang pansit malabon ng joey’s sa cabanatuan,calamares sa tpat ng st.lukes q.c.,lecheflan ng mommy ko,at chicken pork adobo..marami pang iba..bukas uli..

    • ako,bsta my pera kain ng kain,kya nga tau nagwowork pra makakain db? khit anong pagkain bsta pinoy food ayos n ang tyan ko hehehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s