Quiapo Series – Moud Halal Roasted Chicken

Standard

Quiapo, my Quiapo! Isa sa mga paborito kong lugar. At kahit ilang beses ako magpunta rito ay lagi akong may bagong nadidiskubre. Ang daming puedeng gawin, makita, maramdaman, maamoy at matikman sa Quiapo.

Isa sa mga puwedeng gawin ay ang magsimba sa Quiapo Church kung ika’y Katoliko o di kaya’y sa Mosque kung ika’y Muslim. (Oi, hindi naman etsapwera ang iba, may nakita rin akong chapter ng Ang Dating Daan dun, malapit sa may Quinta Market). Paraiso itong maituturing sa mga photographers. Bukod sa napakaraming magandang kunan, andiyan rin ang Hidalgo kung saan maraming mabibiling cameras at iba pang paraphernalia. Bago pa naging fad yang mga lomo-lomo na yan, eh marami na niyan dito at halos amagin na dahil di pa nuon pinapansin. Siyempre, yan rin ang “mecca” ng dibidi-dibidi. Hay naku manginginig ka talaga sa dami. Name it they almost have it. Marami ring ukay. Sa tabi lang ng daan kaya mura. Yun nga lang di ka makakapagsukat. Dun nga ako nakakita ng kurta na maganda at may intricate na beadwork sa halagang P50! Siyempre andiyan din ang mga murang handicrafts, table cloth, placemats, native bags, beads at kung anu-ano pang anik-anik. Andiyan ang Quinta Market, ang Killion at iba pang mga wholesalers na patok sa mga caterers, bakers, atbp. Siyempre, appliances sa Raon, mga salamin sa Paterno St., manghuhula sa Plaza Miranda, mga nagtitinda ng halamang gamot at ipa pang uri ng gamot sa tabi-tabi… hay, I could go on and on and on at baka kulangin na ang espasyo.

At siyempre, puede ba naman natin malimutan ang pagkain?! Isa yan sa yaman ng Quiapo. Ang napakaraming makakainan at mabibilhan ng masasarap na pagkain! Sa sobrang dami nito ay hindi ko muna ikukuwento sa inyo ng sabay-sabay. Installment muna.

Unang stopover, ang Moud Halal Roasted Chicken. Una ko itong nabasa sa PDI. Tapos nabanggit din ng kaibigan kong suki ng dibidi. Kaya minsan matapos mag-dibidi hunting ay tinunton namin ang Moud’s. Muli ko itong binisita dahil matagal-tagal ko na rin itong hindi nakainan. At naisip ko ngang i-feature dito sa Rapsa!

Obvious naman siguro kung ano ang specialty nila. Korak! Specialty nga nila ang hamburgers! Ay ano ba nililito niyo ako. Siyempre roasted chicken nga! At ito yung rotisserie chicken kagaya ng sa Kenny Roger’s (para medyo sossy pakinggan) pero ito rin ay kilala bilang lechon manok kagaya ng sa Andok’s at sa iba pang naglipanang litson manokan sa Pilipinas. Pero ito ay halal roasted chicken.Pag sinabing halal ito yung tinatawag na “permissible” na pagkain sa Islamic Law. Marami kasing pinagbabawal kainin sa relihiyon nila kagaya ng baboy, dugo (ex. dinuguan), atbp.

Rotisserie

Yan ang unang tatambad sa inyong paningin pagpasok sa Moud’s. Ang nag-iikutan at nakapanlalaway na mga manok. (Babala: huwag masyado titigan ang pag-ikot ng manok, baka mahypnotize.)

Pagpasok sa Moud’s ay tumingala ka naman para makita mo ang menu nila. Nagulat ako kasi ganun pa rin ang presyo ng value meal nila. P60 para sa 1/4 chicken at rice. Puede ka mamili sa kabza o saudi rice (brownish at maanghang-anghang daw ito), java (kulay dilaw, parang star-rice o kanin na nilagyan ng star margarine) at plain rice. May kasama itong sauce na parang salsa (pero wala ng buong kamatis kang makikita) na may katamtamang anghang. Wala silang gravy. Hayan sige pagmasdan mo… Masdan ang mamula-mula’t mala-gintong balat. Pantay na pantay ang pagkaluto niyan. Walang dugo-dugo sa loob.

whole chicken

P60 meal

Pero bukod riyan ay may iba pang lutong ulam sa Moud’s at P35 lamang ang order. May spaghetti, pansit at hamburger na P20 ang order. May pizza rin na P10 ang slice (malambot ang crust at huwag ka ng maghanap ng bacon, pepperoni at ham kasi bawal sa kanila. Keso, konting pinya at pizza sauce lang yan. At huwag ka na magreklamo diyan kasi P10 lang naman. Laman tiyan rin yan). May pita bread (P15) din sila kung feel mo na ito ang ka-terno ng manok mo. At may fried chicken din na kung titingnan mo ay parang Chicken Joy naman ang dating!

Ibang ulam

Iba pa

Fried chicken

Pansin ko lang ay hindi kasing malasa ng mga usual lechon manok ang Moud’s Roasted Chicken. Nakalimutan ko itanong kung ano ang timpla nila dito. Sa iba kasi nilalagyan ng tanglad (lemongrass), o rosemary, o garlic o honey para sa karagdagang flavor. Pero yung sa kanila ang magdadagdag ng lasa sa kakainin mo ay yung kanin at yung salsa. Kung manok lang ang lalantakan mo wala gaano itong lasa para sa akin. Pero gusto ko ang pagkakaluto dahil pantay na pantay at juicy-licious din ito (oops pahiram muna ng description Jollibee!).

Kung meron lang akong hindi nagustuhan ay ang paggamit nila ng styro at plastic spoon and forks kahit sa mga dine-in. Sana dun na lang sa plato at hindi disposable. Dagdag basura na naman yan sa Planet Earth. Pero puede naman mag-kamay dahil may tubig at maliliit na batyang nakahanda kung ayaw gumamit ng kutsara’t tinidor na plastik. Mas okay nga kasi masasagad mo to the bones (uy pahiram naman sa Max’s!).

O kung ikaw naman ay magagawi ng Quiapo, bisitahin mo na ang Moud’s Halal Roasted Chicken. Dito ka na kumain kesa naman sa usual na McJolly o Greenwitch o ChowQueen (yan kasi ang mga fastfood na andun). Mag-try ka naman ng bago! Makisabay kumain sa mga kapatid nating Muslim!

Bukod pa sa matitikman mo ang Moud’s Roasted Chicken, mami-meet mo rin yang mga nagagandahang serbedoras (salamat sa pagpayag na makunan ng litrato ang Moud’s) at si Kuya Chris na siyang magaling na bantay sa umiikot-ikot na mga manok!

Mga ate

Chris

(Ang Moud’s Roasted Chicken ay matatagpuan sa Globo de Oro St, Quiapo, Manila. Malapit sila sa Mosque. Tumawag sa 488-50-06, libre magtanong para di mawala.)

ps

salamat kay JVR sa photos!

Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

13 responses »

  1. hanep… kahit may tama ako ngayon ng tequila, binasa ko pa rin ang blog mo. ganyan kita kamahal my friend. sige, sana magsulat ka pa ng ibang mapupuntahan… finoforward ko nga pala ang mga entries mo. hehehe. sana i-check mo kung gano kadami nagbabasa. =)

    PS.
    Diba anak nyo ko ni JVR? Isama niyo naman ang anak nyo sa mga food trip! Ano ba yun!!?!

  2. Lala, your Rapsa website is good. You’re reminding our kababayans na madaming mga mapupuntahang kainan na mura at masasarap ang pagkain din and at the same time natutulungan mo itong mga maliliit nating entrepreneurs na walang panglaban sa mga mahal na mga advertisements and napakataas na mga upa sa mga malalaking malls.

    Congratulations, and keep up the good work.

    Kung kasama ang iyong photographer na si JVR wag pakakainin ng mga masyadong fatty at high in cholesterol. Kailangan pati magreduce yan haha.

  3. ok ito..kainan..pero ang hihintayin ko eh ang feature mo sa ma mon luk..kc last month nagpunta ako dun..may kasama pa ako friend na invite ko..pero di na masarap ang lasa ng mami…parang pinaghugasan na laang ang sabaw…kaya balik kami sa batchoy lapaz pag mami ang usapan…

  4. Lara Salud Javier,

    Ang girlalou na puro pangalan..Lara-wan mo ay isang huwarang pilipino…naway mag patuloy pa ang iyong magandang gawain..Salud-o ako sa kasipagan at pagiging malikhain mo..sana ay ma feauture sa isang tv show yung webside ay website pala..Y not dba???so paano mga katoto Jav-vier self a break at bumisita sa Rapsa…

  5. h!…tama ka pare. Dhl yan paborito ng asawa q0u puntahan cmula p dlga xea dean n cla kumakain ng mga kptid nea at parents nea kc masarap ung knin at chicken..lalo na ung langkang gata yan ang unang ino0rder ng asawa qou ska ung kabsa rice…da best tlg ang halal food pero punta karin…sa omaimah restorant masarap dn luto ng muslim..thnkz:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s