Quiapo Series: Ang Institusyong Ma Mon Luk

Standard

(Ito ay repost mula sa OSAS site ko sa Multiply, 4 August 2006)

Institusyon na ang Ma Mon Luk. Parte na rin ito ng kasaysayan ng Pilipinas.Hindi pa pinagtatagpo ng tadhana ang magulang ko may Ma Mon Luk na. At sa kasawiang palad kung hindi ako nagkakamali ay dadalawa na lang ang branches nito sa buong Pilipinas — sa Quiapo at sa Banawe.

Buti na lang cool ang erpat ko at ipinakilala sa akin ang Ma Mon Luk. Ang makakain mo lang naman dun ay Mami (special at regular), Siopao (special at regular na ang flavor ay asado o bola-bola pero hindi bola-bola ang tawag nila eh, nakalimutan ko), Siomai at Siomai Soup. Yun lang. Huwag ka ng magtangkang maghanap ng iba kasi wala dun.

MML

Ang plato pingas pingas. Ang sabaw kulay pinaghugasan ng plato. Ang siopao hindi maputi. Ang interior decoration napaka-ancient na parang Ming Dynasty pa ata. Ang kahera at mga waiter ganun din. Abacus nga naghahanap ako eh pero wala medyo modern sila may cash register yun nga lang yung malalaki pa rin na mukhang isang toneladang bakal ata ang bigat nun tapos yung numero ang lalaki parang yung sa lumang pumping machine ng gas.

Ganun pa man… babalik-balikan ko ang Ma Mon Luk. Kasi masarap ang siomai at ang siomai soup. The best ang siopao, hindi parang puto ang dough at ang palaman, sabihin man nilang pusa ay masarap pa rin.

At di ko malilimutan ang Ma Mon Luk dahil dito ako madalas dine-date ng tatay ko. At pag nakikita ko na sarap na sarap siya sa mami at siopao niya ay naku nakakalimutan ko na pingas nga pala yung plato ng kinakainan ko at kulay pinagbanlawan ng sabon ang soup na hinihigop ko. Pero huwag matahin ang Ma Mon Luk, may kamahalan din siya ha. 90 pesoses para sa maliit na mangkok ng mami na wala namang sahog kundi ilang strips lang ng manok!

Salamat kay Papsi na labs na labs ko na lagi ako dinedate sa Ma Mon Luk. Buti na lang namana ko ang pagkahilig niya sa mga kung ano-anong pagkain at ang walang takot na page-eksperimento sa iba’t-ibang restawran.

Para sa akin hindi ka cool pag di ka pa nakakain sa Ma Mon Luk!

PS: Salamat sa http://www.flickr.com/people/bigberto para sa larawan!

Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

4 responses »

  1. Meron nga palang apo si Ma Mon Luk na nagtayo naman ng Masuki. Mamihan rin ito sa Binondo naman pero meron din sa Greenhills. Na-try ko na rin dito. Mas nagustuhan ko ito kesa sa orig na Ma Mon Luk. Parang mas nababagay ito sa panlasa ng mga tao sa panahon ngayon. Yung MML kasi parang pang lumang tao ang lasa. (Basta! Eh sa ganun ko siya made-describe eh!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s