Monthly Archives: September 2009

Dinuguan

Standard

May mga Japanese kaming interns sa office. Mahilig kumain pero takot sa balot at sa iba pang mga “kakaibang” pagkain natin. Isang tanghali…

Me: Wow, dinuguan!

Ryo (Jap): What is that?

Me: (Dahil maselan nga ang isang ito, pinagtakpan ko ang ating beloved dinuguan.) Oh, that is chocolate soup.

Ryo: Really, oh I want to try that.

Me: Go ahead.

Ryo: This doesn’t taste like chocolate.

Me: Oh, it’s doesn’t have chocolate in it. We just call it chocolate soup because of the color.

Ryo: So what gives it the brown color?

Me: Oh the brown beans paste.

O, di ba sari-saring pagtatakip sa dinuguan. Kasi pag sinabi ko ng dugo ng baboy yun eh hindi niya na kakainin. At ayokong umalis siya ng Pilipinas ng hindi man lang natitikman ang ating beloved dinuguan! Ayun, gustong-gusto na ng mokong.

Dinuguan

Dinuguan

PS

Salamat sa http://www.filipino-food-lovers.com/site-images/dinuguan/dinuguan1.jpg para sa larawan.

Na-miss ko ang magblog

Standard

Ang tagal na mula ng huling entry ko para sa Rapsa. Marami akong naisip sulatin, maraming nasa draft. Kung bakit hindi ko tinuloy ito’y dahil nakaligtaan na o kaya ay nakatamaran.

Pero siyempre hindi ko nakatamaran ang pagkain. Marami akong mga napuntahan at nadiscover na kainan. Bumiyahe ako sa Bicol at Davao at maraming bukod sa masarap na ay mga interesante ring pagkain. Interesante ang lasa, ang hitsura at marahil rin ay ang mga istorya nito. Sayang talaga na napalampas ko isulat ang mga ito. Ang tanging alaalang naiwan ay ang mga larawan. Sana ay makapagsulat pa ako tungkol sa mga ito.

Pero isang bagay na nadiskubre ko sa aking sarili ay ang kaibahan ng aking “taste” (taste na panlasa at yung taste in terms of liking). ┬áMay mga pinuntahan akong restaurants dahil marami ang nagrerekomenda sa mga ito. Pero to my disappointment dahil pagkakain, talagang napapatanong ako, “ano kayang nagustuhan nila sa restaurant na ito?” o kaya ay “sa putaheng ito”? Talagang kung mababasa mo lang ang mga komento nila akala mo ay mamimiss mo ang kalahati ng buhay mo pag hindi ka nakakain duon. Dalawa na nga sa highly recommended at awarded pa ng Philippine Tatler ang talagang napatanga ako pagkakain. (Duh, what’s so special about this?) Jologs lang siguro talaga ang panlasa ko.

Ang talagang nagpapasaya pa rin pala sa akin ay ang lutong bahay. Kaya tuwang-tuwa ako ng madiscover ko ang blog na Home Cooking Rocks! Winner na winner itey ateng! Parang gusto ko siya maging friend para maimbitahan niya ako sa bahay niya kumain.

Naiinspire din ako na magluto. Kaya unti-unti kong pinupuno ng herbs and spices ang aming eskaparate sa bahay. Kung gusto mo ako mapasaya sa bertdey ko, regaluhan mo ako ng mag nakaboteng maliliit. O kaya kahit tanim na nasa paso, ako na magpapalago.

Isa nga rin pala sa pinagkaabalahan ko ay ang Restaurant City sa FB. Hehe. Kakaaliw eh. Yung pangarap ko na magka-restaurant parang duon ko naisasakatuparan.

Teka, pagod na mga tauhan ko, papahingahin ko muna. Hanggang sa muli. In a few days I’m off to Tokyo again!