At natapos na ang holiday

Standard

Pag pasko sandamakmak ang hamon at iba pang karneng ulam. Nagsalu-salo ang pamilya namin nung Sabado para sa pagsalubong ng Bagong Taon, sa lagpas 10 putahe na inihanda wala man lang nakaalalang magluto ng isda at gulay. Merong naligaw na ginatang hipon. Kaya naman ito ang nilantakan agad ng lahat. Ay meron din palang relyenong bangus. Oh di ba well-balanced ang meal?! San ka pa!

Ang pamilyang hindi mahilig sa karne

Pero sa totoo lang nakakauta ang panay karne di ba? At pag natapos ang holiday season, ang kabi-kabilang party ang gugustuhin mo na lang kainin ay ito.

Tulingan, tambakol at may singit pa ring inihaw na baboy

Tulingan kayo riyan!

Kilala niyo ga ang kadyos? Yan ang paboritong gulay ng mga diyos at diyosa!

Sows! Pag yan ang ulam tapos sakol, ayos ayos nga naman ang kain. Eh kung may ganito pa, lalo na!

Tawilis is love

Sawsawan ay calamansi at asin na may siling labuyo. Karibok na!

Mapa-sinaing, inihaw o pinirito, tawilis ay panalo!

At bilang pang-himagas, uminom ng kapeng barako na nilaga sa ganitong kaitim na takure.

Kapeng barako, kaya ga ng tapang mo?

Samahan na rin ng puto kutsinta.

Potong kotchinta

Sa taong ito, mas dadalasan ko na talaga ang uwi sa amin!

Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

5 responses »

  1. ang saya saya..

    ayaw nyo mag-isda!

    pamahiin din ba yun?

    >para umagos ang swerte?
    >magtampisaw sa grasya?
    >umahon sa kahirapan?
    >masarap na pumumuhay?
    >makabingwit ng ligaya?

    haha ano pa ba related sa isda? 😛

    • Ewan ko ba sa pamilya ko. Hindi na kami nadala eh 3 na ang na-bypass at 1 ang na-angiolasty sa amin at may history pa ng hypertension at diabetes. Haha! Masyado naming mahal ang karne!

  2. WOWOOOW! Ang dami nyong handang KARNE! SO Meaty!! AKo rin naghanap ng gulay at isda after new year. ANyways sana maging masagana di lang sa karne ang new year mo. Enjoy happy foods!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s