Cookie Monster

Standard

Lately ay napapahilig ako sa baking. Feeling-feelingan ba. Siguro dahil na rin ako ay galing sa pamilya ng magtitinapay at ang dugong pagtitinapay ay nananalaytay sa aking dugo. Matagal-tagal na rin akong hindi nagbe-bake. At napahilig ulit dahil may maliit na oven sa aming bahay. So simula muna ako ulit sa mga basic at madaling lutuin. At isa na rito ang cookies. Oatmeal choco chunk cookies ang sinubukan kong gawin nung Linggo. Successful naman siya at pumasa sa panlasa ng mga tumikim. (Nakangiti naman sila nung kaharap ko, hindi ko lang alam kung nuong tumalikod ako ay isinuka nila ang cookie ko.)

Parang meatballs noh?

Zooper dali lang gawin niyang cookie na  yan. Kahit grade 1 pihado ako kayang-kaya. Pagsasamah-samahin lang ang mga ingredients, ihalo-halo, i-bilog-bilog, ipasok sa oven at pagkaraan ng 10 minuto may cookie ka na!

After 10 minutes ganyan na siya

Hanguin mo na. Heto naman ang itsura niya.

Sasabihin sa kin ng anak ko in the future, "Sarap ng cookie ng ina ko!"

Palamigin sa wire rack para lumutong-lutong ang cookies. Crunchy yet chewy at the same time ang mga cookies na ito!

Ako ay crunchy on the sides and chewy in the middle.

Ingredients:

butter (Queensland ang ginamit ko, hindi yung nasa tin can pero yung nasa silver na foil), brown sugar, white sugar, all purpose flour, baking soda, salt, cinnamon, 2 eggs, vanilla, raisins, oatmeal, Meiji black chocolate

Tip: Ibabad ang raisins sa binating itlog (bakit natatawa ako habang tinatype ko ang term na ito) at sa vanilla ng isang oras. Panalo, pramis!

Advertisements

About rapsa

ako'y isang payat na pinay na libangan ay lumafang galore hangga't may pera sa wallet. dito nauubos ang kaperahang kinikita ko sa mga raket ko bilang titser, singer, development worker, story teller at iba pa. minsan nga pagkain lang ang binabayad sa serbisyo ko solb na! hindi ako maarte sa pagkain. wala naman akong pinipili, kakainin ko ang anumang ihain sa harap ko maliban sa baka. bawal kasi sa ming mga hindu yun. charing. kung hindi ako kumakain, nagbabasa ako ng food blogs o di kaya ay tumitingin sa mga recipe. kung wala ng pera pang pig-out pati yung mga libreng tikim sa supermarket pinapatos ko. mahilig rin akong magbasa ng mga nobela na may kinalaman sa pagkain kagaya ng "like water for chocolate" o kaya ay manuod ng mga pelikulang may pagkain pa rin kagaya ng "tortilla soup" o "chocolat". pangarap ko ang makapag-handa kagaya ng handa ni babette sa "babette's feast" at maimbitahan ang batang nagbebenta ng sampagita sa kalye, yung bulag na tumutugtog sa overpass, yung manang na nagtitinda ng tinapa sa may bangketa at yung lola na namamalimos sa kanto.

4 responses »

  1. hi, rapsa.

    pahingi! 😀

    btw, alam mo ba ‘yong tinapay na bakas-kabayo? yong matigas?
    isa kasi ‘yon sa mga tinapay na featured sa childhood ko tapos wala na akong makitang gano’n ngayon… :s

    tanda ko pa yon tsaka yong tinapay na baston. yong kimis-kimis mo habang iniinggit mo ang iyong mga pinsan – alam mo rin yon? :]

    • Hello! Naku alam niyo po hindi ko alam yung bakas-kabayo na tinapay pati yung tinapay na baston. Parang hindi ko po naalala na gumagawa ng ganun sa bakery namin. Ang alaman ko lang pong matigas na tinapay ay putok, sputnik o pacman. Tatanungin ko ang Amapo ko kung ano yan, na-curious din ako!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s