Category Archives: dessert

Vday muffins

Standard

Binake ko ito in time for Vday. Sabi nila, “the way to a man’s heart is through his stomach”. Here’s a batch of muffins for you my boy. Chos! Ang tawag dito ay black bottom cupcakes. Wala akong  unsweetened cocoa powder na siyang hinihingi ng recipe. Pero purong cacao na mula sa Batangas meron ako. Ay panalo! Woot woot!

Heto siya ng hilaw

Sa loob ng oven

Naku nasunog ata ah

Heto tama lang ang luto

batches 1 and 2 ng black bottom cupcakes

Sabi ng mga kumain masarap daw. Tama ang tapang at tamis ng cacao. Well, beginner’s luck ba ito?

Sharing with you the recipe and procedure:

Cream Cheese Filling:

8 oz cream cheese, room temperature, 1/3 cup granulated white sugar, 1 large egg,  1/2 tsp pure vanilla extract

Chocolate Cupcakes:  1 1/2 cups APF, 1 c granulated white sugar, 1/3 c natual unsweetened cocoa powder (you may also used grated tablea), 1 tsp baking soda, 1/4 tsp salt, 1 c water, 1/3 c corn or canola oil, 1 tbsp white vinegar, 1 tsp pure vanilla extract,

Heto ang konting  adjustments na ginawa ko sa recipe: 2 cups ng ginadgad na cacao ang ginamit ko, nagdagdag din ako ng tubig at rice vinegar ang ginamit ko. Salamat sa Joy of Baking para sa recipe at kay Ate Steph para sa inspirasyon!

Advertisements

Cookie Monster

Standard

Lately ay napapahilig ako sa baking. Feeling-feelingan ba. Siguro dahil na rin ako ay galing sa pamilya ng magtitinapay at ang dugong pagtitinapay ay nananalaytay sa aking dugo. Matagal-tagal na rin akong hindi nagbe-bake. At napahilig ulit dahil may maliit na oven sa aming bahay. So simula muna ako ulit sa mga basic at madaling lutuin. At isa na rito ang cookies. Oatmeal choco chunk cookies ang sinubukan kong gawin nung Linggo. Successful naman siya at pumasa sa panlasa ng mga tumikim. (Nakangiti naman sila nung kaharap ko, hindi ko lang alam kung nuong tumalikod ako ay isinuka nila ang cookie ko.)

Parang meatballs noh?

Zooper dali lang gawin niyang cookie na  yan. Kahit grade 1 pihado ako kayang-kaya. Pagsasamah-samahin lang ang mga ingredients, ihalo-halo, i-bilog-bilog, ipasok sa oven at pagkaraan ng 10 minuto may cookie ka na!

After 10 minutes ganyan na siya

Hanguin mo na. Heto naman ang itsura niya.

Sasabihin sa kin ng anak ko in the future, "Sarap ng cookie ng ina ko!"

Palamigin sa wire rack para lumutong-lutong ang cookies. Crunchy yet chewy at the same time ang mga cookies na ito!

Ako ay crunchy on the sides and chewy in the middle.

Ingredients:

butter (Queensland ang ginamit ko, hindi yung nasa tin can pero yung nasa silver na foil), brown sugar, white sugar, all purpose flour, baking soda, salt, cinnamon, 2 eggs, vanilla, raisins, oatmeal, Meiji black chocolate

Tip: Ibabad ang raisins sa binating itlog (bakit natatawa ako habang tinatype ko ang term na ito) at sa vanilla ng isang oras. Panalo, pramis!

Happy Birthday the Pinoy way

Standard

Hindi naman kelangan na lahat ng post ko dito ay tungkol sa mga carinderia o restaurants na nakainan ko. Basta masayang kainan experience ay ikukuwento ko!

Tayong mga Pinoy basta bertdey ay hindi yata puede na hindi maghahanda. Kahit simpleng salo-salo lang, basta kakain kasama ang mga mahal sa buhay. Minsan may pa-style pa tayo na ganito sa mga bisita natin. “Pasensiya na ha, wala naman akong handa.” Pero huwag ka, may pansit na may spaghetti pa, may puto, may bibingka, may barbecue, may lumpiang shanghai, may pochero, may mechado, may menudo, may dinuguan, may fruit salad, may buko pandan at higit sa lahat may lechon. Pero wala raw siyang handa. Wala pa siyang handa niyan ha. Nakapagtataka tuloy kung pano na lang siya pag may handa pa.

Nung Linggo ay umattend ako ng isang bertdeyan. Bday ni Lola. Lola siya ng kaibigan ko pero siyempre dahil Pinoy tayo Lola rin ang tawag natin. Hindi naman tayo parang Amerikano na first name basis kahit sa matanda. At saka hindi ko siya puede i-first name basis kasi hindi ko alam ang first name ni Lola in the first place (whoa! daming first dun sa sentence na yun ah!). Basta siya si Lola.

Nakakatuwang isipin na si Lola ay nagce-celebrate ng kanyang ika-88 na kaarawan. Pero pag tinanong mo siya kung ilang tao na siya, ang sasabihin niya ay 90. Kasi mas madaline raw sabihin ang ninety kesa sa 88. Sige try mo, nayntee. Yung isa eyti-eyt. Oo nga tama si Lola, mas madali bigkasin ang ninety kesa eighty-eight.

Anyway, touched ako at isa ako sa piling bisita ni Lola. Masarap ang handa niya! Courtesy of her soon to be apo-in-law! Aba ganun talaga pag nagpapalakas. Heehee, loko lang Will.

Heto ang menu sa bertday ni Lola. May pansit. Of course mawawala ba naman ang pansit sa berdeyang Pinoy. Ay mali hindi pala pansit ito. Sotanghon pala. Kasi akala ni Will ay bihon ang stock nila sa kusina, sotanghon pala. Pero dahil wala ng oras lumabas ay ito na rin ang ginamit ni Will. May sahog na malalaking pilas ng chicken breast, repolyo at dahil nagkulang na sa repolyo at kelangan mag-improvise ay gumamit na lang ng pechay. Ito ang manok na may sahog na pansit! Sabi ni Lola, hindi raw siya naniniwala na ang pansit ay pampahaba ng buhay. Hmm.. you mean Lola hindi pa mahaba ng 88 years para sa’yo?

Meron ding dalawang klase ng barbecue. Ang chicken barbecue at pork barbecue. Masarap ang timpla ng barbecue. Binabad kasi ito ng magdamagan. Nakita ko pa ng tinimpla ito. Pero may secret spice siya na nilagay. Pero hindi na ito secret ngayon kasi ire-reveal ko na sa inyo. Cayenne pepper.

At siyempre hindi rin mawawala ang lumpiang shanghai na ako at si Lola ang nagbalot. Ewan ko ba kung anong magic meron ang cayenne pepper dahil nilagyan din ang giniling nito. Nakakatawa ang hitsura ng mga binalot namin na lumpia ni Lola. Iba-iba ang sukat. Yung kay Lola kasing taba ng buritto, yung sa akin naman mukhang turon.

Bukod sa mga yan ay meron ding fried rice at siyempre para sa dessert ay prutas at cake mula sa Conti’s. Ang kanilang specialty na Mango Bravo. Ay teka heto nga pala si Lola at ang mga handa niya.

Heto naman ang Mango Bravo. Napakaganda talaga ng cake na ito. Kung may beauty contest ng cake ay pasok ito! May kataasan ang cake na ito. Parang 3 taas ng normal na cake. Pero hindi lang basta ganda ito kasi masarap din talaga. May layers ang cake na ito. May parte na mousse, may parte na parang sans rival, meron ding may sponge (teka, tama ba ako?) . Hindi rin katamisan ang icing. At sandamakmak ang mangga!

Bravo! Bagay na bagay ang pangalan mo sa’yo! Maganda siya sa labas, maganda rin siya sa loob!

Isang slice lang ay hindi ko pa naubos. Sobrang filling rin ng dessert na ito. Si Ching sa excitement, nag-dessert muna bago kumain ng kanin!

Hay! Ang sarap ng handa mo Lola. Happy Birthday sa’yo. Sa isang taon ulit ha!