Category Archives: Uncategorized

Semana Santa Soup

Standard

Because Papa is having his radiation therapy and he was advised by the doctor to eat lots of green leafy vegetables, all the dishes I cook should always have “grasses” in it. Malunggay is ever present, so is dahon ng sili, kangkong shows up once in a while, celery when needed and camote tops when he feels like it. So far, I haven’t let him try Popeye’s powerful spinach. Thus, today’s menu included such.

It’s holy week and Catholics are encouraged to either fast or abstain from eating meat. Because I am  a Catholic school girl, I abide by my church’s teachings. Hihi. So what’s in the fridge? There’s Dory (the ever reliable cream dory), which can be cooked practically anyway you want. Good thing there’s stuff being sold in the palengke and I was able to get hold of white corn (which I think is better to use than the yellow one) and spinach.

Now meet, Semana Santa soup aka Corn and Spinach soup with Fish Fillet.Image

Just like the previous post, you will be needing hugas bigas for this one. I didn’t have a chicken stock so I was forced to use fish bouillion (tsk..tsk..). But if you have chicken stock, that would be better.

Ingredients:

hugas bigas (water you get from washing rice grains)

2 cobs white corn, grated (blender can be used to sort of cream it)

garlic, smashed

ginger, peeled then smashed

spinach

dash of salt and pepper

1 piece cream dory, cut into cubes

2 fish bouillions

spinach (depends on how many you want)

toasted garlic and french fried onions (oui!, used the french’s brand)

When the hugas bigas is boiling put the garlic and ginger (yes, no need to saute it), fish bouillion comes next, then the creamed corn, then the fish fillet and spinach, last. Add salt and pepper to taste. Let it boil. Check if the fish fillet is cooked already then you may turn off the gas stove now.

Put in a soup bowl, garnish with toasted garlic and fried french onion. Ready to serve! Bon Appetit!

(Yes, I am writing in English this time because the weather made me do so.)

Pinoy Corn Soup (Sopa de Maiz)

Standard

Bukod sa palay ay marami rin tayong tanim na mais. Ang mais ay masarap gawing maja blanca, binatog, chichacorn, mais con yelo at iba pa. Hindi lang ito pang himagas, maari rin ito gawing soup! 

At heto ang aking version ng Sopa de Maiz.

Image

4 pirasong mais (mas gusto ko ang puting mais pero wala kasi sa palengke kaya sweet corn ang ginamit ko) 

8 cups ng hugas bigas

bawang 

dahon ng sili

asin

paminta

Madali lang itong gawin. Gadgarin o di kaya ay tanggalin ang mga butil ng mais gamit ang kutsilyo. Dahil malalaki pa ang butil, ginamit ko ang blender para i-cream ang mais. Buti na lang may button na grate ang blender ko. Bahagyang pagke-cream lang ang ginawa ko para may buo-buo pang mais. 

Pakuluan ang hugas bigas. Ilagay ang pinitpit na bawang. Masarap ang marami. Pag kumukulo na ang hugas bigas, ilagay ang mais. Timplahan ng asin at paminta. Pag kumulo na ay ilagay ang dahon ng sili. Maari rin maglagay ng malunggay para mas masustansiya. 

Voila, may sopa de maiz ka na! Dali lang di ba? 

 

 

 

Jollibee Kid Forever

Standard

Kahit kelan ay hindi ako nagkaroon ng kiddie party sa Jollibee. Well, hindi naman ito kakulangan sa pagkatao ko. Nabanggit ko lang dahil may isa akong kaibigan na pangarap niya magkaroon ng kiddie party so sinorpresa siya ng mga kaibigan niya sa Jollibee. Nakakatuwang/nakakatawang panuorin dahil ang lahat ay masaya na naglaro ng mga kadalasang parlor games pag birthday party.

Kung papipiliin ka sa mga fast food chains na meron sa Pinas, ano ang pipiliin mo. Andiyan ang Jollibee, Mc Donald’s, KFC, Wendy’s, Burger King, sige isama na rin ang Chowking, Mang Inasal at kung anu-ano pa, alin ang bet mo?

Para sa akin lagi pa ring mangunguna ang Jollibee dahil sa kanilang Chicken Joy. Iba pa rin ang manok na ito. Ang lutong, ang lasa, ang juicyness, patok talaga sa mga bata. At kung bata ka pa ay gusto mo na ito, malamang hanggang sa pagtanda mo ay mananatili ito sa isa sa mga paborito mo.

Sinong Pinoy ang hindi gusto ang Chicken Joy?

Meron kaming batang bisita sa opisina. Lumaki siya sa Japan. Pero sa tuwing uuwi ng Pinas, wala raw itong ibang gustong kainin kundi Chicken Joy at french fries. Ang mga bata nga naman, makita pa lang ang karatula ni Jollibee, magtatatalon na.

Nung bata pa kami, hindi naman kami mahilig lumabas at mamasyal, kaya ang bawat punta namin sa Jollibee ay memorable talaga. Ngayon, hindi na ako kadalasang kumakain sa mga fast food. Pero sa pagkakataong wala na talagang choice kundi mag-fastfood, Jollibee pa rin ang pinipili ko. Hindi ako kumakain ng baka kaya hindi ko masasabing gusto ko ang burger nila. Pero ang Chicken Joy, mananatili talagang isa sa mga paborito ko at laging pupukaw sa puso ko at magpapaalala sa aking kabataan.

O-oh! Jollibee, saan ka nakatingin?!

Kamayan! Sa Palaisdaan! Sa Bay!

Standard

Aba, matagal tagal na rin na hindi ako nakapost. Andami ko yatang ni-raket nitong mga nakaraang linggo na nakaligtaan ko ng sumulat ng mga entries dito. Actually ang daming nakabinbing sulatin. Bagamat hindi ako nagpaparamdam at sa kabila ng aking kabusyhan (o busy-busyhan) ay marami pa rin akong natikman, napuntahan at nadiskubreng masasarap kainan dito sa bayang ating sinalangan. Sa bayan kong sinilangan, sa Timog Cotabato…ay nadala ako.

Eniwei, sa tinagal-tagal ng aking pananahimik, ako’y muling nagbabalik para magkuwento ng tungkol sa paborito kong gawin sa mundo.

Summer na at ewan ko ba kung anong meron sa tag-araw na siyang nagpapadoble ng gutom ko sa araw-araw. Parang pakiramdam ko laging nagmamarakulyo ang mga alaga ko sa tiyan. Sa ofis nga alam na nila na pag nakasimangot ako, gutom na ako nun. Nagkakainan na naman ang maliit at malaking bituka ko.

Hindi pa tapos ang Quiapo series ko, marami pa akong isusunod diyan pero hayaan niyo munang dalhin ko kayo sa Laguna. Laguna, ng ito ay narating ko, parang ako ay nabago, kakaibang damdamin…. ayan nadala na naman ako. Weekend of foodtrips ang inabot ko ng linggong nagpunta kami sa Laguna. Pero hindi ko na isusulat yung ibang mga nakainan namin kasi hindi naman Proudly Pinoy. Hetong isang namumukod tangi at siyang kumumpleto sa linggo ko na lang.\

Nagpunta kami sa Bay, Laguna (say Ba-i not Bay as in Manila Bay) para i-try ang suggestion ng isa kong kaibigan. Nagpagutom talaga kami para sulit ang kainan alam kasi naming mapapasabak kami. Nagpunta kami sa Kamayan sa Palaisdaan sa Bay. Madali lang itong matagpuan kasi malaki naman ang karatula nito sa labas at along the hi-way pa. Pagpasok ay matutuwa ka kasi native ang dating. Kubo-kubo na nakalutang sa tubig! Mga bahay kubo sa balsa sa palaisdaan. Cute kaayo! Tapos makikita mo yung mga hito na naglalanguyan. Hindi ko na nabilang kung ilang kubo meron. Para sa mga takot sa tubig [a.k.a. hydrophobia (either nakagat ng asong bang-aw o simpleng tamad maligo)] puede naman na dun kayo sa reclaimed land (charing!). Meron ding parang overlooking the palaisdaan lang. Pero siyempre dun kami pumuwesto sa kubo na nakalutang kasi gusto na rin namin sabayan ng pagligo ang pagkain namin.

O sige humahaba na ang kuwento, punta na tayo sa pagkain. Naturalmente dahil nasa palaisdaan ka eh di isda ang orderin mo! Kaya umorder kami ng Sinugno na Tilapia (inihaw tapos ginataan), Ginataang Suso (yung pilipit, kasi yung isang klase kuhol yun eh) at Sizzling Pusit. Ewan ko lang kung san hinuli ang ginatang suso at pusit, basta yung tilapia dun sa palaisdaan nila (malamang!) Umorder rin kami ng paborito kong pako salad, inihaw na talong at buko juice.

(

Galit-galit na kami nung dumating na yung mga order namin. Talo-talo na. Masaya kami sa kinain namin maliban lamang sa pako salad. Walang sinabi sa pako salad ni Aling Cely. Yung tilapia, ang laki, mataba. Halos hindi ko maubos ang isang buo. Da best ang ulo siyempre. Tama ang pagkakaihaw. Tamang tama rin ang pagkakagata. Yung suso naman walang kahirap-hirap supsupin. Effortless ba. Yung sizzling puzzit din pala hindi ko gano nagustuhan kasi parang may identity crisis siya. Ulam ba ako o dessert? Terno rin ang talong sa ibang inorder namin. Sarap naman lagi ang talong para sa akin kahit anong luto pa.

Sulit ang pagsadya namin sa lugar na ‘to. Masarap ang pagkain. Malaki ang serving. Affordable pa. Maganda ang lugar. Nakakatuwa yung mga kubo. Maganda dito kumain kasama ang pamilya.

At siyempre hindi matatapos ang pananghalian ng walang panghimagas. Sugod sa Max’s para sa Ube Decadence. Pinoy version ng panna cotta. May halaya sa gitna at budbod ng ube. Da best ito. Tataya ko pangalan ko dito!

O siya hanggang sa susunod na kainan!

(Ang Kamayaan sa Palaisdaan sa Bay ay matatagpuan sa National Highway, Bgy. Dila, Bay, Laguna)