Isa lamang akong taong mahilig kumain. Hindi man halata sa aking katawan, pero isa ito sa mga paborito kong gawain sa buhay. Ang pagkain ay isa sa mga bagay sa mundo na lubos na nagpapaligaya sa akin. Mababaw lang ang aking kaligayahan, hindi kinakailangang dalhin ako sa sosi na restoran. Kahit bananacue lang ni Aling Dalisay o tokwa’t baboy ni Tia Merced ay masaya na ako.
Isa rin sa mga hilig ko ay ang magbasa ng food blogs. Madalas ko itong ginagawa lalo na kung wala akong pera pang lafang. Andaming nagsusulat ng tungol sa pagkain pero naisipan ko pa rin gumawa ng sariling akin. Maraming masarap na lutong Pinoy, maraming kuwento sa pagkaing Pinoy at maraming puedeng tuklasin na pagkaing Pinoy. At sana sa pamamagitan ng RAPSA! ay maibahagi ko ang mga ito sa inyo.
Hindi ako “connoisseur” o dalubhasa sa pagkain. Hindi ako para magbigay ng 1 star o 5 stars sa mga nakakainan ko. Iba-iba tayo ng panlasa. Ang masarap kay Urduja ay hindi masarap kay Cinderella. Andito lamang ako para magkuwento ng aking karanasan sa pagkain at para i-promote ang sariling atin.
Kaya ilabas na ang mga plato, maghugas na ng kamay at sabay-sabay ng sumigaw ng “kainan na!”

Intro palang nakakaexcite na!! sana ay magtuloytuloy ang foodblog nato Lara, Congrats sa Rapsa, hope to read more of yer posts! and hope to have one of our eFf episodes!!
So food critic ka na ngayon lalay??? hihihii. sige sige..pag nadako kami doon.
maraming salamat sa pagbati. sana tuloy na tuloy na nga!
La… galing, you did it!!!… amazing race na tayo please
hayyy! nagugutom na tuloy ako. at pupuntahan ko yang mga yan once i get there.i’ll print it ng di maligaw. thank you.